RSS

Tag Archives: noynoy aquino

I am a palengkera.

Photo Credits

Photo Credits

Pwede ba Kris, tumahimik ka. Kahit ilang segundo lang, utang na loob, huwag mong ibuka iyang bibig mo. Kasi tungkol sa kinabukasan ng bayan ang pinag-uusapan dito. At hindi tungkol sa love life mo.

Hindi na sixteen years old iyang kapatid mong si Noynoy para pakialaman mo ang lahat ng kilos, pananalita at desisyon niya sa buhay. In the first place, hindi ba’t mas matanda siya sa iyo?

Bahala siya sa buhay niya, mag-asawa man siya o hindi. Tumakbo man siya o hindi. Sa ginagawa mo, nagmumukhang inutil ang kapatid mo sa harap ng madla.

If you really have to say something, do it privately.  Imbes na maging asset ka ng kapatid mo ay nagiging liability ka pa. And as far as the whole nation is concerned, wala talaga kaming pakialam sa opinyon mo. Wala. Wala. Wala.

Dahil sa tuwing nagsasalita ka, ang naririnig lang namin ay ang mga katagang “ME, ME, blah, ME, ME.” Buti na lang malaki ang respeto namin sa nanay at tatay mo. Kaya kahit nakaririndi na ay nakikinig pa rin kami sa kolehiyala english mo.

Your “I have STD.” days are over. Nawindang na sa iyo ang buong sambayanan kaya umupo ka na muna at manahimik. Hindi sa lahat ng panahon ay ikaw dapat na pinag-uusapan. Shut up. Zip it!

Your brother is the last frontier of Philippine Politics. Kapag pumalpak pa ang isang ito aba’y ewan na lang kung saan pupulutin itong bayan natin. Ang tanging magagawa mo para makatulong ay ang lunukin iyang dila mo. Salamat. Zip.

Advertisements
 
12 Comments

Posted by on September 8, 2009 in Internet, People

 

Tags: ,