RSS

Tag Archives: fiction

I am an ex-husband.

Sabi nila ay nag-unahan sa pagtulo ang mga luha mo nang mawalan ako ng malay sa harapan mo.

Ikaw raw mismo ang nagdala sa akin sa ospital at nagpakilalang asawa ko. Ngunit nang magising ako ay wala ka na sa tabi ko.

Sana..

Sana..

Oo nga pala. Asawa kita. Dating asawa. Kung paanong nangyari iyon ay hindi ko na gustong maalala pa.

Kung mayroon man akong ikinagalak sa nangyaring iyon ay ito. Mahal mo rin pala ako sa kabila ng hindi mo pag-kibo. Hindi ako makapaniwala.

Gusto kitang sumbatan at sisihin sa mga nangyari. Mahal mo rin pala ako pero bakit wala kang ginawa? Huli na. Hindi na tayo maaaring magsama pa.

Naisin ko mang balikan ka ay hindi ko makakayang paiyakain ang babaeng kumalinga sa akin mula nang mawala ka. Napakabuti niya. Ayoko. Hindi ko magagawa. Ang alam niya ay mahal ko na rin siya.

Sa mga oras at araw na halos mabaliw ako sa pangungulila sa iyo ay siya ang kasama ko. Siya ang naging daan para unti-unting maghilom ang sugat na ginawa ng paglayo mo.

Ipagpaumanhin mo kung hindi ko na matutupad ang pangako kong mamahalin ka hanggang sa aking pagtanda. Mula ng lumayo ka ay kay rami nang nagbago.Sa akin. Sa iyo. At sa pag-ibig na kaytagal kong itinago sa puso ko.

Paalam. Mahal kita. Pero hanggang dito na lamang ako. Sana.. sana ay maging maligaya tayong dalawa.

Photo Credits

 
28 Comments

Posted by on July 16, 2009 in Current Events, People

 

Tags: ,