RSS

Monthly Archives: March 2010

I am the stages of moving on.

Photo Credits

I am the stages that girls go through before fully moving on. Tagalugin ko na rin para pati guys makaintindi. Joke! LOLs.

Shock. Hindi mo sukat-akalain na magkakahiwalay pa kayo gayong kulang na lang ay mag-share kayo ng toothbrush at deodorant.

Denial. Feeling mo magkakabalikan pa talaga kayo. As in. You feel it in your bones.

Bargaining. Maloka-loka ka pa sa paghahabol sa kanya. Pupunta ka pa siguro sa bahay niya para magmakaawa na balikan ka niya. Magiging better girlfriend ka na talaga. Promise.

Anger. Galit ka dahil iniwan ka niya at hindi siya gumagawa ng paraan para magkabalikan kayo.

Worthlessness. Feeling mo ang pangit-pangit mo dahil iniwan ka niya.

Acceptance. Ubos na ang luha mo. Unti-unti mo nang natatanggap na wala na siya at malamang ay hindi na muling babalik pa.

Reconstruction. Mas mahal mo na ang sarili mo sa puntong ito. Nangangarap ka na ulit para sa sarili mo. You’re starting to plan a future without him.

Understanding & compassion. Hindi ko naranasan ito. Haha.

Bottom line is, cry for now, dear. You don’t have any other way around it. But you’ll be fine. Hindi naman siguro posible na forever ka na lang na malungkot hindi ba?

Advertisements
 
7 Comments

Posted by on March 11, 2010 in People