RSS

I am a palengkera.

08 Sep
Photo Credits

Photo Credits

Pwede ba Kris, tumahimik ka. Kahit ilang segundo lang, utang na loob, huwag mong ibuka iyang bibig mo. Kasi tungkol sa kinabukasan ng bayan ang pinag-uusapan dito. At hindi tungkol sa love life mo.

Hindi na sixteen years old iyang kapatid mong si Noynoy para pakialaman mo ang lahat ng kilos, pananalita at desisyon niya sa buhay. In the first place, hindi ba’t mas matanda siya sa iyo?

Bahala siya sa buhay niya, mag-asawa man siya o hindi. Tumakbo man siya o hindi. Sa ginagawa mo, nagmumukhang inutil ang kapatid mo sa harap ng madla.

If you really have to say something, do it privately.  Imbes na maging asset ka ng kapatid mo ay nagiging liability ka pa. And as far as the whole nation is concerned, wala talaga kaming pakialam sa opinyon mo. Wala. Wala. Wala.

Dahil sa tuwing nagsasalita ka, ang naririnig lang namin ay ang mga katagang “ME, ME, blah, ME, ME.” Buti na lang malaki ang respeto namin sa nanay at tatay mo. Kaya kahit nakaririndi na ay nakikinig pa rin kami sa kolehiyala english mo.

Your “I have STD.” days are over. Nawindang na sa iyo ang buong sambayanan kaya umupo ka na muna at manahimik. Hindi sa lahat ng panahon ay ikaw dapat na pinag-uusapan. Shut up. Zip it!

Your brother is the last frontier of Philippine Politics. Kapag pumalpak pa ang isang ito aba’y ewan na lang kung saan pupulutin itong bayan natin. Ang tanging magagawa mo para makatulong ay ang lunukin iyang dila mo. Salamat. Zip.

 
12 Comments

Posted by on September 8, 2009 in Internet, People

 

Tags: ,

12 responses to “I am a palengkera.

  1. Rej

    September 9, 2009 at 8:06 pm

    You can breathe. : )

     
    • Nobe

      September 10, 2009 at 8:03 am

      hahaha! pwede rin pala akong mag ala anabil rama ano? ahahaha!

       
  2. i'm a narnian

    September 10, 2009 at 8:01 am

    i love kris aquino. she wouldn’t be herself if she did not have any opinion on noynoy’s intent to run. hahaha.

     
    • Nobe

      September 10, 2009 at 8:04 am

      love her, hate her. this is the side of me that hates her. ahahaha!

       
  3. Badong

    September 10, 2009 at 9:29 pm

    sa tingin ko yun na yon e. her ‘i have std’ days are over. kaya siya ganyan. but i like her. haha

     
    • Nobe

      September 11, 2009 at 9:08 am

      hahaha! i just realized, nakakapagod palang maging palengkera. hahaha! it’s so tiring to be angry. tiring din maging nagger. ahahaha!

       
    • Nobe

      September 11, 2009 at 9:09 am

      kris can do things that i cannot do in this lifetime, in the weirdest way, i admire her for it. lol

       
  4. Mr. Nonsense

    September 11, 2009 at 11:04 am

    wow…i cant wait til she gets appointed to the ministry of foreign affairs…pwede nyang panakot yung STD nya😛
    btw, ano ba tong sabay sabay mong posts? isa-isa lang. nauubusan ako ng kagaguhan sa yo noh.

     
    • Nobe

      September 11, 2009 at 11:07 am

      sabay sabay rin kasi akong nananahimik. pustahan tayo, next month pa ako makakapag sulat uli. lol

       
  5. The Lady in Green Ruffles

    September 16, 2009 at 6:07 am

    ouch naman ako dito

     
  6. nobe

    September 16, 2009 at 9:04 am

    paranag nagsisi nga ako bakit ko ipinost ito. kakapagod sa utak. lol

     
  7. jah

    April 26, 2010 at 11:50 pm

    wawa ka naman syado ka apektado ni kris. eh ano naman sya sikat, ikaw hindi hahaha. she’s not perfect and you’re not too. kung ayaw mo sya eh di wag mo panoorin, wag mo pakinggan.

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: