RSS

I am an ex-husband.

16 Jul

Sabi nila ay nag-unahan sa pagtulo ang mga luha mo nang mawalan ako ng malay sa harapan mo.

Ikaw raw mismo ang nagdala sa akin sa ospital at nagpakilalang asawa ko. Ngunit nang magising ako ay wala ka na sa tabi ko.

Sana..

Sana..

Oo nga pala. Asawa kita. Dating asawa. Kung paanong nangyari iyon ay hindi ko na gustong maalala pa.

Kung mayroon man akong ikinagalak sa nangyaring iyon ay ito. Mahal mo rin pala ako sa kabila ng hindi mo pag-kibo. Hindi ako makapaniwala.

Gusto kitang sumbatan at sisihin sa mga nangyari. Mahal mo rin pala ako pero bakit wala kang ginawa? Huli na. Hindi na tayo maaaring magsama pa.

Naisin ko mang balikan ka ay hindi ko makakayang paiyakain ang babaeng kumalinga sa akin mula nang mawala ka. Napakabuti niya. Ayoko. Hindi ko magagawa. Ang alam niya ay mahal ko na rin siya.

Sa mga oras at araw na halos mabaliw ako sa pangungulila sa iyo ay siya ang kasama ko. Siya ang naging daan para unti-unting maghilom ang sugat na ginawa ng paglayo mo.

Ipagpaumanhin mo kung hindi ko na matutupad ang pangako kong mamahalin ka hanggang sa aking pagtanda. Mula ng lumayo ka ay kay rami nang nagbago.Sa akin. Sa iyo. At sa pag-ibig na kaytagal kong itinago sa puso ko.

Paalam. Mahal kita. Pero hanggang dito na lamang ako. Sana.. sana ay maging maligaya tayong dalawa.

Photo Credits

 
28 Comments

Posted by on July 16, 2009 in Current Events, People

 

Tags: ,

28 responses to “I am an ex-husband.

  1. madz

    July 16, 2009 at 3:15 pm

    ay, nalungkot naman ako sa kwento na ito😦

     
  2. Nobe

    July 16, 2009 at 3:30 pm

    @madz: may kasunod pa naman yan. happy ending siguro. hehe.

     
  3. livingstain

    July 16, 2009 at 6:15 pm

    naiiyak naman ako nobe… wait lang ha…

     
    • Nobe

      July 16, 2009 at 8:01 pm

      at nakisakay po si livingstain sa kabaliwan ko. hahaha!

      hi livingstain! ang ganda ng background music sa website mo. si papa p. ba ang kumanta noon?

       
  4. Chris

    July 17, 2009 at 11:46 pm

    hi my dear nobe..kakalungkot naman ng story muntik na kong maiyakk..hehe

    nice post ha.

     
    • Nobe

      July 19, 2009 at 8:31 am

      @chris: hi chris! grabe naman, naka-relate ka ba? hehehe. actually this is not all about the story of ex-husbands and ex-wives. it’s about “goodbye” as a whole.

      kakadalaw ko rin lang sa website mo.🙂

       
  5. The Pope

    July 18, 2009 at 2:25 pm

    Masyadong emotional farewell ito, nakakalungkot, subalit mahusay ang pagpili ng mga salita, mahusay ang iyong pagkakatha.

    A blessed weekend.

     
    • Nobe

      July 19, 2009 at 8:29 am

      @pope: maraming salamat sa sinabi mo. nagagalak ako at nagustuhan mo ang isinulat ko.:)

      a blessed weekend to you too.

       
  6. anakngpating

    July 18, 2009 at 8:01 pm

    nakakalungkot naman iniisip ko nung binabasa ko to ikaw ate nobe hehe..kwento mo ba yan hehe..

    may happy ending ba talaga..?

     
    • Nobe

      July 19, 2009 at 8:22 am

      actually, may asawa pa rin ako ngayon kaya hindi ko kwento iyan. ahahaha!

      meron, siguro.🙂

       
  7. ever

    July 19, 2009 at 9:26 pm

    teka nga at masipat ulit…bihira ang ending nito..malalim ang istorya!

     
    • Nobe

      July 20, 2009 at 8:13 am

      baka maiba pa ang ending niyan ever. hehehe. masyado daw kasi malungkot e recessions ngayon. dapat happy lagi. tingnan ko kung magagawan ko ng kasunod ito.🙂

       
  8. an_indecent_mind

    July 20, 2009 at 8:21 pm

    ambigat naman….

     
    • Nobe

      July 21, 2009 at 8:29 am

      hi indecent mind, i like your moniker. ahahaha.🙂

       
  9. Nobe

    July 21, 2009 at 10:23 pm

    tabi-tabi po muna at nag-iisip pa ako kung ano ang magandang theme. hehe. i’ll be back.🙂

     
  10. MOKS

    July 22, 2009 at 9:24 pm

    Pare salamat sa pagbisita mo sa blog ko at napuntahan ko tong blogsite mo na ito…
    Add kita sa link ko tol…

     
    • Nobe

      July 22, 2009 at 10:39 pm

      hi moks.🙂 hehe. i’m a mare actually. hehe.🙂

       
  11. moonsparks

    July 23, 2009 at 12:32 am

    ang sakit naman ng goodbye na yun… i’ll jump on the bandwagon. sana may happy ending pa rin🙂

     
    • Nobe

      July 23, 2009 at 9:54 am

      everybody deserves a happy ending. even them.🙂

       
  12. deejay

    July 23, 2009 at 5:16 pm

    san na ang kasunod, nobe?😛

    nakompyus ako nung una sa last sentence, pero nakuha ko na. kala ko nung una yung “sana ay maging maligaya tayong dalawa,” e magkasama sila.

    let’s be happy but apart. awww. *hikbi*

     
    • Nobe

      July 23, 2009 at 7:36 pm

      isa po talaga akong babae sa totoong buhay. ehek. minsan lalake rin, minsan tomboy, minsan bakla, minsan isang maningning na bagay. whatever. hehe.

       
  13. neil

    July 23, 2009 at 6:37 pm

    Akala ko kwento ‘to ng buhay mo, buti na lang binasa ko muna mga comments.🙂 Makikisali na din ako, sana nga me happy ending.🙂

    Galing! Keep ’em coming. And thanks for dropping by my site.

     
    • Nobe

      July 23, 2009 at 7:34 pm

      hehe. hindi naman ganoon ka dramatic ang buhay ko neil. haha!

       
  14. Traveliztera

    July 24, 2009 at 8:52 pm

    aww… super… sayang😦 pero let the future unfold… sana maging happy lahat sa huli

     
    • Nobe

      July 25, 2009 at 9:16 am

      siguro, baka nga. it really depeneds how much risk they are willing to take for the relationship.🙂

       
  15. Mr. Nonsense

    July 25, 2009 at 7:43 am

    you might grow bitter, but once u love someone, the bond doesn’t really go away.

     
    • Nobe

      July 25, 2009 at 9:04 am

      same with regular relationships, kahit hindi kayo kasal. kahit bf-gf lang.

       
  16. Kaka

    July 31, 2009 at 8:16 pm

    oo nga pwede. it applies kahit bf-gf lang.

    papabasa ko to sa kanila…hehehe

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: